Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nadagdag sa vibrant commercial and leisure circles ng Quezon City ang bagong Prime Hotel na inilunsad at binuksan kamakailan.

Ang Prime Hotel ay nasa 70 Sgt. Esguerra Street at malapit lamang sa EDSA, walking distance sa MRT Quezon Avenue Station at walking distance din sa ABS-CBN, ETON at Vertis North.

“Quezon City is Metro Manila’s largest city and is fast-becoming an important destination for business and leisure travelers,” pahayag ni Marvin Tiu Lim, vice president for Marketing ng Prime Hotel. “We want our hotel to become a watering hole to people, who want a different kind of business traveling and leisure experience.”

Ang bagong hotel ay may mga ballrooms na puwedeng gamiting venue para sa lahat ng okasyon. Kasama rito ang Grand Ballroom na may elegant, design, high-ceiling at wide space na bagay sa mga formal gatherings at malalaking business conference o kaya ay malakihang wedding celebration. Para naman sa banquet dinner, kaya nitong mag-accommodate ng hanggang 200 katao na puwede pang paabutin hanggang 250.

May dalawa pang ballrooms na kaya namang mag-accommodate ng 100 katao at 70 katao. Perfect venue naman ang mga ito para sa mas maliliit na business meeting, banquets at iba pang okasyon na may maliit na grupo. Lahat ng function rooms ay may state of the art audio visual equipment.

Para sa mga smaller events, ang Prime Hotel ay puwede ring magamit sa mga photo shoots at iba pang intimate activities.

Meron din itong 39 hotel rooms na may iba’t ibang sukat na naayon sa pangangailangan ng mga patrons. Meron itong Traveler’s room , Two-Bedroom suite, Superior and De Luxe, Premium at Presidential suite. Lahat ng mga kuwarto at suites ay may magandang disenyo, modernong furnitures, fixtures at amenities para sa comfort at relaxation ng mga guests.

Bukod dito, very affordable din ang rates ng mga kuwarto mula P2,500 per night para sa Traveler’s room; P3,000 per night sa Superior Room, P4,000 per night para sa De Luxe; P5,500 per night sa Premium Suite; P6,500 per night sa Presidential Suite, at P15,000 per night para sa Two Bedroom Suite.

Kabilang naman sa mga amenities ng Prime Hotel ang Nautilus Rooftop Whisky Bar kung saan puwedeng mag-unwind ang mga guests, may KTV room, fitness center at ito rin ang kauna-unahang hotel sa bansa na may Game Room na nag-o-offer ng Virtual Reality o Augmented Reality.

Para sa iba pang impormasyon, inquiries, at reservations, bisitahin ang official Facebook page (@primehotelph) at ang website na www.primehotel.com.ph o tumawag lamang sa 962-8000.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..