Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Marami ang naghahanap kay Alden Richards sa fashion show ng “Under The Stars” na kung saan ay nandoon si Maine Mendoza. Bakit daw wala si Alden?

Hindi pala siya pinayagan dahil may conflict ito sa ini-endorse ni Alden na apparel ng Boardwalk. Sa hair lang ang ini-endorse ni Alden sa naturang product ni Ben Chan.

Anyway, matagumpay ang Grand Fans Day ng GMA Artists Center sa Music Museum noong Biyernes ng hapon.

Nagpasaya ang Pambasang Bae, grupong TOP, One Up, Glaiza De Castro, Mikee Quintos ,Kate Valdez at ang bagong contract artist ng GMA

Artists na si Jason Abalos sa kanilang mga fans. Makikita na mainit pa rin ang pagtanggap ng mga fans kay Alden.

Mapapansin sa labas ng Music Museum kung paano dumugin ng tao si Alden bago makasakay ng sasakyan. Napagbigyan pa niya ang ilan na makapag-selfie sa kanya habang napapaligiran siya ng mga bodyguards.

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..