Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi man klaro pero mukhang pinlantsa nina Mariel Rodriguez at Kylie Padilla ang pagkikita ng maglolong Robin Padilla at Alas na anak nina Kylie at Aljur Abrenica kahapon.

Ito ay matapos na dalhin ni Kylie ang anak sa ginanap na birthday party ng anak nina Robin at Mariel.

Sa isang video na ipinost ni Robin ay makikita ang kaligayahan sa mukha ni Robin sa nangyaring pakikipagkita sa apo.

Maging sina Kylie at Mariel na mapapanood din sa video ay ligayang-ligaya sa nasabing pagkakataon.

Ang nararamdaman ni Robin sa nasabing pagtatagpo nila ng apong si Alas ay ibinahagi ng action star sa social media.

Naka-post ang video ng pagtatagpo at nilagyan ito ni Robin ng ganito ka emosyunal na caption:

Purihin ang nag iisang Panginoong Maylikha !!! Walang pinakamasaya sa isang lolo kundi ang mayakap at mabuhat ang isa sa unang apo Allah hu Akbar napakasarap iparinig sa kanyang tenga ang Adhan/ call to prayer bilang unang pamana sa kanyang napakamusmos at matalas na pandinig. Maraming salamat sa iyo mahal kong anak na @kylienicolepadilla sa pagdala kay ALAS sa akin Alhamdulillah ganon din sa iyo @marieltpadilla wala ng hihigit pang kaligayahan sa araw na ito. Pagpupugay sa lahat ng mga kumilos para maging matagumpay ang pagkikita na [email protected]_cm @kayegarcia13 …. we miss you @queeniepadillarevert
(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..