Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nag-partner ang Max’s Group, Inc. (MGI), pinakamalaking casual dining company sa Pilipinas, at ang GCash, na pioneer sa electronic payments gamit ang QR codes, para pangunahan ang hakbang na maipatupad ang cashless ecosystem sa bansa.

Ang MGI ay kinabibilangan ng Max’s, Pancake House, Krispy Kreme, Jamba Juice, Yellow Cab, Teriyaki Boy, Dencio’s, Maple, Singkit, Kabisera, Sizzlin’ Steak, at Le Coure de France.

“I think there is a great opportunity for us to address the consumer needs especially the phone as a wallet since there is a great amount of convenience that comes with that,” pahayag ni Sharon Fuentebella, Chairman and Chief Executive Officer ng MGI.

Idinagdag naman ni Dave Fuentebella, MGI Chief Financial Officer na, “We find the use of GCash scan to pay feature to be seamless so we are anticipating that it will grow as more customers use this payment gateway facility. We’re excited to see how this will evolve. Right now, we are very happy with how GCash is being used. We’re just waiting for it to be rolled out in all our stores for other consumers to experience it as well.”

Ang GCash scan to pay feature ay magiging available sa may 50 stores ng MGI bago matapos ang buwang kasalukuyan at inaasahang magagamit na ito sa mas marami pang stores sa taong 2018.

Sa pamamagitan ng scan to pay feature ng GCash App, magagamit ng mga customers ang kanilang GCash account para magbayad ng anumang goods and services. Malaking tulong ito sa mga consumers dahil hindi na nila kailangang laging magdala ng pera.

Malugod namang tinanggap ni Albert Tinio, GCash President and CEO, ang Max’s Group sa mga early adopters ng e-payment. “We are glad to see a big restaurant chain like Max’s embracing the future of e-payments in the Philippines. QR scanning via mobile phone as a mode of payment is already widely-accepted in China, India and other countries in Asia and we want to replicate its success here through the help of our partners like Max’s Group,” aniya pa.

Kung magiging available na para sa lahat ng QR codes, kahit ang mga ambulant vendors at sari-sari stores ay makakasama sa cashless society na mas mabilis, mas convenient, at mas ligtas na transaksyon.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..