Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Matindi ang nasagap kong blind item ukol sa isang indie direkor na kakaiba ang trip. Kapag daw kasi sinumsumpong ito ng kakatihan sa katawan, in other words, kapag nakakaramdam ng pagkamanyakis si Direk, kung ano-ano ang ginagawa nito sa mga artista niyang lalaki.

Kuwento ng aming informer, “Etong director na ito ang talagang petmalu, kaya malabo ko siyang maging lodi. At ang gusto niyang pinagti-tripan ay ang mga baguhang actor.

“Actually, hindi naman siya mapili, basta mhin kahit walang face value, okay na sa kanya. Mas hilig niya kasi ang may magandang katawan kaysa guwapings na face.”

Dagdag pang kuwento ng aming barakong source, “One time nga, sa shooting ng pelikula niyang puwedeng i-consider na mas mababa pa sa pito-pito, mayroon siyang pinaghuhubad na isang baguhang hunk actor, na kahit wala naman talaga sa script ay kung ano-ano ang pinagawa niya sa pobreng newcomer.

“Hindi ko lang sure kung after ng shooting ay nagtagumpay ang director na ito para matikman din ang bagitong actor.”

Pero ang the height ng tsikang ito, nang may na-encounter na baguhan din si Direk at ito ay pumalag sa mga gusto niyang ipagawa sa newbie indie actor.

“Hindi pumayag iyong newbie actor sa mga gusto ni Direk, kasi gusto niya ay paghubarin ito at gusto pa ni Direk na makipag man to man kissing scene ito.

“Nang hindi nga pumayag at gustong mag-walk out sa shooting ang newbie actor, naimbiyerna nang husto at nagputok ang butse nito, nagbanta pa si Direk na hindi na niya ito kukunin sa pelikula kahit kailan kaya dapat na itong magbabu sa kanyang acting career. Pero hindi ito pinansin ng newcomer at nilayasan nito ang manyakis na director!”

Talagang iba rin ang naturang indie director. Pero lately ay hindi siya active sa paggawa ng pelikula. Karma kaya ito o busy lang siya sa mga baguhang actor na hindi pumalag sa kanyang trip? Yun na! (Ni: Tsikadorang Spy)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..