Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagkamayan sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang aktor na si John Lloyd Cruz nang magkita sa isang burol ng anak ng isang prominenteng angkan ng mga pulitiko sa bansa.

Makikita ito sa ipinost na photo sa Instagram account na jlc_ellen.

Nasa larawan si John Lloyd na nakangiti habang nakikipagkamay kay Pangulong Digong na tatay ni Baste na dating karelasyon ng rumored GF naman ng aktor na si Ellen Adarna.

Walang kumalat na impormasyon sa kung ano ang naging pag-uusap ng dalawang prominenteng personalidad sa pulitika at showbiz pero nanaig ang usap-usapang maaaring nakantiyawan ni Pangulong Duterte si John Lloyd sa relasyon nito kay Ellen.

Ito ang caption sa nasabing post ng larawan kung saan ay nagkakamayan sina Pangulong Digong at John Lloyd.

[email protected]_justine feeling ko ang awkward mameet yung tatay ng ex ng gifriend mo. Hehe.

Maliban kay John Lloyd ay nakiramay din si Ellen sa burol ng anak ni dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo.

📸 ctto . #ellenadarna #johnlloydcruz #jlcellen #ellen #johnlloyd #johnlloydellen #babylove #adarna

A post shared by Baby Love 👶❤ (@jlc_ellen) on

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..