Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Aminado ang comedian/talent manager na si Ogie Diaz na matagal na niyang pangarap ang makapagsulat ng libro. Nagkaroon ito ng katuparan via Pak! Humor (Life is Short. ‘Wag Kang Nega) na ginanap ang book launching last Novermber 11 sa National Bookstore branch ng Trinoma Mall.

Pahayag ni Ogie, “Pangarap ko talagang makapagsulat ng libro, noon pa. Di ko kaya ang nobela. Ang gusto ko lang, mai-share ko yung knowledge ko, yung experience ko, yung mga nakakatawang encounters ko sa mga tao. Bottomline: kahit hindi ko sila mapatawa, gusto ko lang silang ngumiti at gumanda ang araw nila thru this book.

“To write a book is my ultimate dream. Inggit na inggit ako sa mga book authors na nakakabuo ng libro. At iyan na nga, natupad na rin sa wakas. Salamat sa mga karanasan ko.”

Tama ba na ang proceeds ng libro mong Pak! Humor ay ibibigay mo raw sa Kasuso Foundation o Philippine Foundation for Breast Care, Inc. na nangangalaga sa mga may breast cancer? Paano ka na-involve sa Kasuso Foundation?

Esplika ng managaer ni Liza Soberano, “Na-involve ako sa Kasuso Foundation thru my Ninang sa binyag who happens to be my first cousin also, Ninang Chato del Castillo na tumutulong na sa Kasuso Foundation. Mga isang dekada na rin ako rito bilang Board of Trustee and monthly, I give them my monetary share bilang ginawa ko na ring obligasyon na part of my kinikita will go to the foundation.

“Isip kami nang isip kung paano makakalikom ng funds to sustain the needs of our patients, kaya isa itong pag-publish ng libro ko ang susi para ‘yung bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa kanila. Kaya masipag din akong mangholdap ng friends to buy in bulk order, hahahaha!” Nakatawang saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Aside from the foundation, tatlo silang maghahati-hati sa proceeds. Nandiyan din ang Dugong Alay, Dugtong Buhay (DADB) na ang head nitong si Sir Nap Marilag ang nilapitan ko at never akong tinanggihan during the ordeal of my youngest daughter (9 months na) na tumira sa incubator ng first four months dahil premature baby nga at kailangan lagi masalinan ng fresh blood at yung DADB ang malaking bahagi kung bakit buhay na buhay ang anak ko.

“Iyong pangatlo ay si Fatima Soriano na due for her second kidney transplant at noon ko pa sinusuportahan ang batang ito na siyang umawit ng Mama Mary Loves You. Kaya rin siguro ako blessed dahil lagi niya ako at ang pamilya ko kasama sa kanyang napaka-effective na dasal at healing powers.”

Nagapahayag din ng labis na pasasalamat si Ogie sa mga sumuporta sa kanya sa launching ng libro niya at sa magandang feedback nito.

“Sobra akong nagpapasalamat sa mga totoong kaibigan na sinorpresa ako during the book launch sa Trinoma. Despite the heavy traffic, nandoon sila to support me at bumili talaga sila ng ilang kopya at hindi nanghingi, hehehehe. Sobrang thank you sa kanila. Sila rin kasi ang nagtulak sa akin para buuin ang ilang bahagi ng kuwento ng buhay ko at mga kagagahan ko with lessons.

“Noong nag-book launch kami sa Trinoma last Saturday, sobrang naging happy ang ABS-CBN Publishing dahil nakabenta kami ng 286 copies. Isa sa pinakamataas na sales sa isang branch during the book launch.

“Sobra akong thankful! Kasi iyong iba, ang daming kinuha, dahil nabasa na nila at iyon na daw ang ipangreregalo nila sa mga friends nila sa Pasko dahil katwiran ng iba, hindi raw nakakahiyang iregalo kasi ang daming mapupulot na aral. Kaya sobrang touched ako.” (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..