Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Itinuturing ng singer/actress na si Garie Concepcion na ang taong 2017 ang pinaka-productive na year niya, so far. Bukod kasi sa mga show as a singer, napabilang din siya sa top rating TV series ng ABS CBN titled La Luna Sangre at ngayon ay bida na siya sa pelikula.

Tampok si Garie at ang actor/director na si Ruben Maria Soriquez (na nagbida na sa pelikulang Of Sinners and Saints) sa pelikulang The Lease. Isa itong horror movie na pinamamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola. Gumaganap dito si Garie bilang si Clara na asawa ni Romano (Ruben). Isa siyang mabuting ina at asawa na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.

Nagsimula ang istorya nito nang umupa sila sa Villa Nonita sa Tagaytay at dito sila guguluhin ng multo sa naturang villa.

Ano ang reaction mo na bida ka na ngayon sa pelikula?

Sagot ni Garie, “Napakasaya ko po. Nagulat ako actually, kasi hindi ko po ine-expect. Nagpunta po ako to audition, nagbabakasali, tapos natuwa po ako nang tinawagan ako na lead role nga po ang nakuha ko.

“Blessing and early birthday and Christmas gift po ito,” masayang saad sa amin ni Garie.

Masasabi mo bang ito ang pinaka-productive na year mo sa showbiz?

“Opo tito, lalo na po itong last quarter of the year sana po magtuloy-tuloy na,” saad niya.

Pang-apat na pelikula na ni Garie this year ang The Lease. Bahagi siya ng Cinemalaya entry na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa starring Alfred Vargas at nagkaroon din ng papel sa mga pelikulang Fan Girl/Fan Boy at Barbie, D Wonder Beki na tinatampukan ni Paolo Ballesteros.

Masasabi mo bang malaking bagay ang exposure mo sa LLS, sa mga dumarating sa iyong projects?

Pahayag niya, “Opo, malaking tulong iyon sa akin. Thankful po ako, kasi dahil po sa LLS ay mayroon pong ibang opportunities na dumarating sa akin. Wala na po akong masabi araw-araw kay God, kundi thank you.”

Parang nalilinya ka yata sa horror? Kasi sa LLS isa kang lobo na may kasama at mga kalaban na bampira, hindi ba?

“Opo, pero nagkataon lang po siguro, hehehe. Pero ako naman po, kahit ano naman po na trabaho ang dumating, blessing sa akin iyon…

“Kaya nagpapasalamat po talaga ako kay God sa mga dumarating na blessings,” saad pa ng anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..