Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Happy si Venus Raj dahil inabot ng third season ang kanilang magazine travel show na “Business Flight” kasama ang businesswoman na si Cristina Decena.

Nagsimula ulit nu’ng Sabado sa GMA News TV, 11:30 AM ang naturang show. Ipinalabas nila ang kagandahan at mala-paraisong isla sa Balesin.

Abangan din ang kanilang limang episodes sa Japan featuring the island of Kyushu.

Nalilibang si Venus Raj dahil parang hindi raw siya nagtatrabaho sa “Business Flight”. Ini-enjoy niya kasi ang pamamasyal at pagdiskubre ng kultura ng bawat bansa.

Sinabi rin niya na memorable ang episode nila kung saan nag-cruise sila . First time daw niyang sumakay sa barko at sey niya ‘nakakahilo pala’.

Natuwa lang siya ang mga kaganapan sa cruise habang nasa gitna sila ng dagat. Para daw siyang nasa hotel lang.
Bongga raw ang karanasan niya sa “Business Flight”.

Bukod dito, para raw niyang pangalawang nanay si Cristina na inaasikaso siya. Minsan daw binibilhan siya ng damit at pinagsasabihan din kung hindi bagay sa kanya ang isusuot niya.

Havey rin ang working relationship nila dahil hindi na sila nagkakailangan. Sanay na raw sila sa isa’t isa at nagkakabiruan na.

Bukod dito, mas personal na ang usapan nila at hindi tungkol sa trabaho lang. Nakikita rin niya ang lalim ng personalidad ni Cristina. Nagkaroon daw sila ng genuine relationship.

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..