Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

BABAE pala ang panganay na anak ni Sylvia Sanchez. Inihayag niya ito kaninang umaga sa Magandang Buhay ng ABS-CBN 2.

Sa pagbabahagi ni Sylvia sinabi niya ang pangalan ng panganay niya, si Pia na sinundan ni Arjo Atayde.

Ani Sylvia, iba ang ama ni Pia kina Arjo at mga kapatid nito.

“Marami sa Instagram ang nagtatanong bakit hindi namin nakikita ‘yung Pia. Ayaw kong sagutin kasi ang habang explanation,” aniya at sinabing hindi niya kailangang magpaliwanag sa kung anoa ng nangyari sa buhay niya lalo sa pagiging ina.

“Akin ‘yon, kung ano ang nangyari sa buhay namin. Kasi once mag-explain ka sa umpisa, tapos iba-bash ka, tapos hahaba. Huwag niyong kuwestiyonin ang pagka-nanay ko kasi alam ko, ako ‘yon. What’s important is me and my God, hindi ako at ang ibang tao,” paliwanag ng aktres.

Ani Sylvia, 17-anyos siya noong manganak siya kay Pia. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..