Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi gagawin ni Gal Gadot ang Wonder Woman sequel kung hindi masusunod ang kanyang kondisyones.

Ayon sa mga ulat, nagparamdam umano si Gadot na hindi niya gagawin ang Wonder Woman 2 kapag hindi tinanggal ang producer na si Brett Ratner. Ang RatPac-Dune Entertainment na pag-aari ni Ratner ang tumulong sa pag-finance ng Wonder Woman katuwang ang Warner Bros.

Si Ratner ay kabilang sa mga Hollywood moguls na naaakusahan ngayon ng sexual harassment.

Si Ratner na siya ring director ng Rush Hour ay inakusahan kamakailan ng mga aktres na sina Natasha Henstridge at Olivia Munn.

Pinakahuling nag-akusa kay Ranter si Ellen Page na nagsabing noong 18-anyos pa lamang siya ay hiniya siya ng director at producer nang utusan nito ang isang female cast member na makipag-sex kay Page para makumpirma na lesbian ito. Noong panahong iyon hindi pa umaamin si Page sa kanyang sexuality.

Matinding binatikos ni Gadot ang mga sexual harassment sa Hollywood na patuloy na sumisingaw.

“I stand by all the courageous women confronting their fears and speaking out. Together we stand. We are all united in this time of change,” pahayag ni Gadot sa kanyang Instagram.

Gayunpaman, bago pa man nagbanta si Gadot na hindi niya gagawin ang Wonder Woman 2 kung bahagi pa rin ng produksyon si Ratner ay kumalas na mismo ang Warner Bros sa RatPac-Dune sa kanilang partnership dahil sa mga naglitawang sexual harassment allegations laban sa producer-director.

(NEWSKO DESK)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..