Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

TRABAHO ang idinahilan ni Coleen Garcia kung bakit wala sila sa kasal ng kanilang kaibigang Anne Curtis.

Halos present kasi ang lahat ng host ng It’s Showtime sa pag-iisandibdib nina Anne at Erwan Heussaff na ginanap sa New Zealand. Narron sina Vice Ganda, Kim Atienza, Ryan Bang, Karylle, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz.

Kaya naman maraming netizens ang nagtaka na absent ang dalawa.

Ani Coleen sa kanyang Twitter account, wala sila ni Billy dahil may trabaho sila sa Manila. Kaya pala nakita namin isang gabi si Billy sa lamay ng kaibigan niyang si Isabel Granada sa Sanctuario de San Jose.

Bukod kina Billy at Coleen, hindi rin nakadalo sa kasal si Amy Perez na sinasabing nasa Taiwan kasama ang asawang si Carlo Castillo na nagdiriwang naman ng kanilang anibersaryo roon. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..