Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ang award winning actress na si Aiko Melendez ang itinanghal na Best Supporting Actress sa katatapos lang na 31st PMPC Star Awards for Television na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater in Ateneo de Manila University last November 12.

Natamo ito ni Aiko sa mahusay niyang pagganap sa TV series ng ABS CBN na Wildflower na tinatampukan ni Maja Salvador.

Kabilang sa mga kapwa nominado ni Ms Aiko sa naturang kategorya ay sina: Carmina Villaroel (Till I Met You, ABS-CBN 2); Chanda Romero (Legally Blind, GMA-7); Dimples Romana (The Greatest Love, ABS-CBN 2); Eula Valdez (Hahamakin Ang Lahat, GMA-7); Ina Raymundo (La Luna Sangre, ABS-CBN 2); Iza Calzado (A Love To Last, ABS-CBN 2); Sunshine Cruz (Wildflower, ABS-CBN 2); Susan Roces (FPJ’s Ang Probinsyano, ABS-CBN 2); at Yassi Pressman (FPJ’s Ang Probinsyano, ABS-CBN 2).

Ine-expect niya bang mananalo kagabi?

Sagot ni Ms. Aiko, “I wasn’t expecting anything lastnight, if I can recall it right, I always attend and support Star Awards even if i dont win. Maybe hindi pa iyon ang tamang time na manalo ako, but just the same, my respect for the institution hasn’t changed. And salamat, dahil this time po ay nanalo na ako, si Emilia lang pala po ang katapat, hahaha!”

Nakangiting dagdag pa niya, “Kagabi may nerbiyos akong nararamdaman and excited din siyempre ako… and speechless. But more than anything, happy po ako na na-bless ako ng award again po.”

Masasabi mo bang special ang award na ito dahil alam naman ng marami kung gaano ninyo pinaghihirapan ang paggawa ng teleseryeng Wildflower?

“Super special itong award na ito, kasi ang dami ko pong pinagdaanan sa soap na ito. Nandiyan iyong muntik na akong mabulag and iyong mga panahon na nagkakasakit ako, pero tuloy pa rin taping po. Kaya over-all, I’m happy po talaga sa award na ito.”

Ano pa ang dapat asahan ng suki ninyong manonood sa Wildflower?

Sagot ng Kapamilya aktres, “Salamat po sa panonood ninyo ng Wildflower at asahan po nila na mas matindi and wilder ang Wildflower po na matutunghayan ninyo.”

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..