Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi pa naililibing kahapon ang aktres na si Isabel Granada ay ginulantang ang showbiz ng isa na namang masamang balita.

Ito ay ang pagpanaw ng sumisikat pa lamang na miyembro ng Hashtag na si Franco Hernandez na mainstay sa noon time show na It’s Showtime.

Kasunod ng masamang balita ay nagpost ng mensahe ng pakikiramay ang ilang Kapamilya stars partikular ang kasamahan sa show ni Franco na si Vice Ganda.

Sa mga post nangingibabaw ang nanghihinayang sa magandang oportunidad na naghihintay kay Franco sa showbiz.

Matatandaang napaulat ang pagkalunod ni Franco nitong Sabado ng hapon sa Davao Occidental.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..