Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ang dating anniversary noon na nagkaroon ng monthsary at weeksary celebration ng mga mag-jowa… aba, nadagdagan pa ngayon!

Iba rin kasi ang trip na i-celebrate ng ABS-CBN news anchor na si Anthony Taberna bilang pag-alala sa kanilang ‘metsary’ o araw ng pagtatagpo nila ng kanyang wifey.

Sa Instagram, ikinuwento ng Kapamilya broadcaster kung paano nagkita at nagsimula ang pag-iibigan niya at ng misis na si Roselle Taberna. Revelation pa nga ni Ka Tunying, ‘cradle snatcher’ daw ang tawag sa kanya noon ng mga saksi sa love story nila dahil na rin sa laki ng age gap nilang mag-asawa.

Happy metsary!

Ang tawag sakin ng ibang kaibigan ko ay cradle snatcher. Paano ba naman kasi, halos 11 years ang diprensya ng edad ko sa misis ko. 33 ako, 22 sya nung kinasal kami. Pero hindi lang kasal ang ipinagdidiwang namin. Mula nang naimbento ang salitang metsary o paggunita sa petsa ng unang pagtatagpo, may konting kasayahan na rin. Alam nyo na ang kuwento – nagtagpo kami sa 7-11, November 11 eksaktong 4:11 ng hapon. Pero kahit pa 11 years ang tanda ko sa kanya, mas madalas na mas mature pang mag-isip at magsuhestiyon ang aking misis sa tuwing meron kaming dedesisyunan. Kaya nga, siya ay aking commander. Ang pinakamaganda pero pinakabagsik na commander sa buhay ko. 😂 Happy Metsary, Commander Rossel! Aylabyu ❤️❤️❤️ #1111 #november11 #celebration #happywifehappylife #commanderAlibasbas #nakakabataAngMisisnaBatambata

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28) on

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..