Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bumaha ng photos sa ginanap na welcome party ng ikakasal na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand ngayong araw na kuha ng kanilang mga kaibigang inimbitahan sa kasal.

Lumabas sa Instagram account ng isang @annecurtis008 ang ilang pictures sa welcome party nina Anne at Erwan sa Queenstown, New Zealand ngayong araw, November 11.

Pero sa unang account ni Anne na @annecurtissmith na may 8M followers ay waley.

Nagbahagi rin ng fotos ang friend nilang sina Robbie Pinera at Michaelleyva.

Sobrang ganda ni Anne at karamihan ang deskprisyon sa kanya ay super cool dahil sa elegante niyang gown na gawa ng international designer na si Vera Wang.

Naka-brown suit naman si Erwan.

Ang iba’t ibang photos sa kaganapan sa welcome party ay ibinahagi ng mga celebrity friends ng couple kaya’t wala nang dapat pang ipagdamdama ng mga fans.
Ang bongga din ng kasalan dahil lumabas ito sa Stuff news sa New Zealand.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..