Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi na umabot ng buhay sa pinagdalhang ospital ang isang miyembro ng boy group sa It’s Showtime na ‘Hashtag’ na nalunod sa Davao Occidental nitong Sabado.

Ang insidente ay kinumpirma ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Cornerstone Entertainment talent agency na handler ng biktimang si Franco Hernandez.

Sinasabing pabalik na sa bayan ng North Lamidan, Don Marcelino ang biktima kasama ang kanyang girlfriend at isa pang miyembro ng Hashtag nitong Sabado nghapon nang tamaan ng malakas na alon ang sinasakyan nilang motorized banca dahilan upang tumilapon ito.

Naisalba pa ang katawan ni Franco pero kritikal na.

Nagawa pang maisugod sa isang clinic malapit sa bayan ng Malita ang biktima kung saan ito idineklarang dead on arrival.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..