Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Binati ng kanyang Dermcare family si Miss Earth Australia Nina Robertson matapos itong koronohang Miss Earth Air 2017 sa ginanap na koronasyon kamakailan.

Ang Miss Earth 2017 ay idinaos sa MOA Arena, Pasay City noong November 4 kung saan 86 kandidata ng iba’t ibang bansa ang naglaban-laban.

Si Nina na mula Australia ay isa sa pinalad na mapasama sa Top 4.

Sa loob ng nakaraang mga buwan, nasubukan ang determinasyon ni Nina sa kabuuan ng Miss Earth kung saan isinabak ang mga kandidata sa iba’t ibang aktibidad.

Sa final Q & A, tinaong ang mga kandidata ng: “Who or what do you think is the biggest enemy of Mother Earth and why?”

Narito ang naging kasagutan ni Nina: “I think the biggest enemies of Mother Earth, is the people that do not believe that Climate Change is real. Because for them they do not see the long term effects that this climate change and global warming will have. So for me, I would like to keep educating more people and raising more awareness, because sometimes they’re just not aware of it. So as an Eco-Warrior, and all the girls here on stage, this is what we’re here to do.”

Si Nina ay kinoronahan bilang Miss Earth – Air 2017, si Miss Colombia Juliana Franco ang Miss Earth Water, si Miss Russia Lada Akimova ang Miss Earth – Fire habang si Miss Philippines Karen Ibasco ang grand winner at kinoronahan bilang Miss Earth 2017.

Congratulations Nina Robertson for bringing home the title of Miss Earth Air 2017! Your journey has reached new heights. You truly stand out of the crowd with your beauty and confidence. You deserve all the blessings and success. Always shine like a queen! Your Dermcare family is proud to have you!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..