Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Muling tatampukan nina Janella Salvador at Elmo Magalona ang Wansapanataym Presents at ang featured episode ng tinitiliang love team ay may titulong Jasmin’s Flower Power.

Naging panauhin ang dalawang young stars kamakailan sa DZMM’s Teleradyo sa programang Todo-Todo Walang Preno nina Ariel Ureta at Winnie Cordero. Dito’y inusisa sila kung ano ang papel na gagampanan sa bagong episode ng Wansapanataym.

Saad ni Janella, “This is our third one na together. Ang character ko po rito ay si Jasmin at mayroon akong kakambal dito to be played by Heaven Peralejo. Tapos, hindi namin alam na mayroon kaming powers na nakakausap at nako-control namin ang mga flowers.”

Wika naman ni Elmo, “Ako po rito yung tagapagmana ng Events Place kung saan nagde-deliver sina Janella ng mga flowers nila. So, roon kami magiging magkaibigan.”

Nalilinya yata kayo sa mga fantasy story, bakit kaya?

“Hindi ko rin po alam,” nakatawang sagot ni Elmo. “Pero exciting siya, kasi kahit na pangatlong Wansapanataym na namin ito, laging iba pa rin iyong naipapakita namin.”

Sa naturang episode ay makikita si Jasmin (Janella), na isang ulila na napahiwalay sa kanyang kapatid na si Daisy (Heaven Peralejo) nang namatay ang kanilang mga magulang na sina Dahlia (Bernadette Allison) at Oscar (John Medina).

Ngunit isang araw, may lumabas na flower fairy sa magkapatid at sinabi sa dalawa na buhay pa ang kanilang nanay at ito ay pinarusahan at nakakulong sa magical flower dahil sa pag-aabuso sa mahiwagang puting binhi na ipinagkaloob sa kanila ng diwata.

Para mailigtas ang kanilang ina, binigyan sila ng isang itim na mahiwagang binhi na kailangan nilang magawang kulay puti sa pamamagitan ng paggawa ng mga kabutihan, upang sila ay makapasok sa kaharian ng mga diwata at maisalba ang kanilang ina.

Ngayong Linggo na ng gabi mapapanood ang Wansapanataym Present’s: Jasmin’s Flower Power. Tampok din dito sina Rufa Mae Quinto, Francis Magundayao, Rommel Padilla, Almira Muhlach, Lui Villaruz, Neil Coleta, Arlene Muhlach, at Jai Agpangan. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..