Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ramdam ng dating ka-loveteam ng namayapang si Isabel Granada ang pinagdaanan ng aktres dahilan upang pangunahan nito ang pangangalap ng tulong pinansyal para sa kaibigan.

Isa si Chuckie sa nahingahan ni Mommy Guapa, ina ni Isabel sa mga naging problema ng aktres bago ito inatake ng aneurysm hanggang sa bawian ng buhay sa Doha,Qatar.

Ang pakikipag-usap ni Chuckie kay Mommy Guapa ang malamang ay pinaghugutan ng dating ka-loveteam ni Isabel para pangunahan ang pangangalap ng pinansiyal na tulong sa aktres.

Nagbukas ng bank account si Chuckie at ang asawa nitong si Marie Aileen Regina kung saan ay maaring magpadala ng financial help sa pumanaw na aktres ang mga kaibigan o fans.

Pero may ilan ang nang-iintriga sa hakbang na ito ni Chuckie na nakakalungkot dahil nakikita naman ang malinis na motibo ng Dreyfus couple at hindi alam ang tunay na pinagdaraanan ng mga naulila ng aktres kaya hindi napigilan ni Chuckie na magsalita ng, “ang daming napakakitid ng utak na gusto pa lagyan ng kulay ang tulong na ginagawa ng ibang tao.

Ang bibilis humirit at magsalita kahit hindi pa alam ang buong sitwasyon.” (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..