Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Unang nagbigay tribute ang dating ka-loveteam at kaibigan ni Isabel na si Chuckie Dreyfus, na nagpasalamat sa masasaya at magagandang araw na kanilang pinagsamahan.

Ani Dreyfus, “Maraming salamat sa lahat ng pagkakataon na nagkasama tayo. Sa lahat ng panahon na pinasaya mo ako at ang pamilya ko. Sa pagmamahal na lagi mong pinaramdam sa akin ng buong puso.
Sa bawat tawa, bungisngis, kurot at hampas sa akin na hindi ko makakalimutan.
Kasama mo nawala ang napakalaking parte ng buhay ko na kailanman hindi ko na maibabalik.
Ayoko pa rin maniwala.
Sana sa panaginip man lang makita at makausap kita kahit papaano. Kahit man lang doon.
Paalam, Isa.
Mahal na mahal na mahal kita.”
Nagpapasalamat din ang isa pa sa close friend ni Isa na si Bianca Lapus, sa matagal-tagal nilang pagkakaibigan.
Aniya, “Heaven just gained another Angel . . . Rest in peace sis Isabel Granada i am thankful for the 2 decades of friendship we had,” Lapus wrote.
“Ok lang kahit di na tuloy ang date natin at inuman ng guyabano juice at pagtatawanan natin na after i gave birth hindi na kasya sakin ang costume natin sa play na noli me tangere kung saan nag alternate tyo as maria clara at tinanggap ko yung role ko na mermaid sa Halik ng Sirena dahil sa iisang rason na ikaw ang bida dun kahit hirap na hirap ako sa buntot ko at muntik malunod tapos tawa ka ng tawa.
“Yung tawa mo, yun ang gusto ko tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo . . . Ang importante hindi ka na nahihirapan.no more pain. I know you fought sis. Pahinga ka na. Mahal kita.”
Marami pa ang nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ni Isabel, narito ang ilan sa kanila. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..