Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kinoronahan kamakailan si Nina Robertson bilang Miss Earth Australia at siya ang pambato ng naturang bansa para sa Miss Earth 2017 pageant na gaganapin ngayong araw na ito sa MOA Arena, Pasay City.

Si Nina ay ipinanganak sa Maynila pero sa Australia lumaki at isa siyang award-winning athlete, isang environmentalist at college student sa University of Melbourne.

Si Nina rin ang kasalukuyang New Face of Dermcare, isang kilalang local professional skincare, hair and wellness spa.

Isa sa mga advocacies ni Nina sa Miss Earth ay ang food waste management.

Naniniwala si Nina na ang mga naaaksayang pagkain ay kailangang makapagpakain sa libu-libong tao. Lagi ring ipinapaalala ni Nina ang paggamit ng 5 R’s: Respect, Rethink, Reduce, Recycle at Reuse.

Si Nina ang nanalo sa Swimsuit Competition kaya naman binabati natin si Nina sa kanyang mga narating at goodluck sa kanyang journey sa Miss Earth crown.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..