Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Binara ni Raffy Tulfo si Xander Ford sa programang “Itimbre Mo Kay Tulfo” dahil mga seryosong hinaing ang pinapayagan sa programa niya at hindi mga showbiz issue. Pinayagan daw siya na umupo sa naturang show dahil ang akala niya ay pinagbabantaan ang buhay nito.

Pero kung ang pag-uusapan daw ay tungkol kay Kathryn (Bernardo), Nadine (Lustre) at tungkol sa mga sakang ay ayaw niyang maging part nito.

Nag-react din ni Raffy na mabilis ang karma kay Xander pagkatapos niyang marinig ang kuwento nito. Siya naman ang binabalikan sa mga panlalait niya nu’ang araw. Sey pa niya, kung marunong manlait si Xander, dapat marunong din daw itong tumanggap ng panlalait.

Sinabihan din ni Raffy na humingi ng public apology si Xander kina Kathryn at Nadine na ginawa naman niya sa nasabing programa.

Pero kung binabantaan ng mga bashers ang buhay ni Xander, sey naman ni Raffy ay hindi dapat ito i-tolerate. Dapat habulin at panagutin.

Nakausap din sa programa ang diumano’y nag-upload ng viral video ni Xander na nagngangalang Dave Alvarez. Itinanggi niya na na tini-threat niya si Xander. Ang ending nagpatawaran sina Xander at Dave sa mga pagkakamaling nagawa nila.

Xander Ford itimbre mo kay TULFO.

Nag sumbong na sya kay Tulfo dahil sa mga ng bully sa kanya

Posted by Rey Rey Moreno on Sunday, October 29, 2017

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..