Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi pa bumubongga ang career bilang loveteam dahil sa napakaraming kasabayan ay bumigay na ang tambalan nina ex-PBB housemates Kisses Delavin at Marco Gallo.

Ito ay matapos na magdesisyon ang kampo ni Kisses na kumawala na sa loveteam sa pagitan ni Marco.

Nitong mga nakaraang araw ay mismong ang kampo ni Kisses ang nag-anunsyo na magso-solo na muna ito bilang artist at isinantabi na ang ka-loveteam nito sa ilang proyekto na si Marco.

Pero alam niyo ba ang punu’t dulo ng hiwalayang ito?

Sinasabi ng ilan na nagsimula ang iringan ng loveteam sa Kapamilya Chat ng ABS-CBN kung saan ang simpleng biruan ay napunta sa pikunan.

Mismong ang mga fans nila ang nakapansin na seryoso ang tampuhan ng dalawa.

Lalo pang umigting ang balita nang i-announce ni Kisses during her contract signing sa Star Music na she will go solo muna sa mga projects.

Yung mga fans na nakilala dito sa Pilipinas at abroad ay affected masyado. Yung isang kakilala ko, even had to go sa Holy Land para ipagdasal na maayos ang kung anumang hindi pagkakaunawaan nina Kisses at Marco.

Kinausap na ng Star Magic sina Kisses at Marco para ayusin kung ano man ang gulo sa kanila. Pero mukhang desidido sila, lalo na si Kisses na mag-solo muna sa kanyang mga projects.

Dahil sa hiwalayang ito ay isang nakalinyang proyekto ng dalawa na teleserye nina Piolo Pascual, Arci Munoz, Alessandra de Rossi at Empoy ang tinamaan.

May maganda pa naman sanang roles ang loveteam pero nanaig ang kanilang personal na desisyon at ito ay ang pagbuwag sa kanilang loveteam.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..