Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi umeepekto kay ex-PBB housemate Kisses Delavin ang walang humpay na pamba-bash na inaabot sa fans ng mga kasabayan niyang artista.

Kung umeepekto ba naman ito dapat ay nagmumukmok at nganga si Kisses pero hindi dahil bumubuhos ang biyaya sa dalaga.

Sa katunayan ay pumirma na raw ito ngayong araw, as in ngayong Oktubre 25 ng exclusive recording contract sa Star Music PH.

Ito ang nilalaman ng tweet ng writer na si Eric John Salut: @delavinkisses signs exclusive recording contract with @StarMusicPH today! Congrats, Kisses and welcome to the family!

Tuwang-tuwa naman ang mga fans ni Kisses sa supresang balita mula sa kanilang idolo.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..