Saturday 18th November 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Hindi rin nakaligtas sa mga bashers ni ex-PBB housemate Kisses Delavin ang kaibigan nitong si ex-PBB ding si Say Alonzo.

Pero hindi ito pinalagpas ni Say dahil sa pamamagitan ng kanyang twitter ay rumesbak ito sa kanyang mga bashers na walang tigil na pagpapadala sa kanya ng hate messages.

Ganito ang ilan sa pinakawalang tweet ni Say bilang sagot sa kanyang mga bashers.

“Kaloka sila palaging naka abang sa mga tweets ko about Kisses hahaha! Updated ang mga bashers, walang magawa sa buhay!! Hahahaha!”

“Inggit kasi sila kay Kisses dahil maraming nagmamahal sa kanya. Wag masyado pahalata kanino kampi.”

“Nakakaloka ang mga to!!mga nagtatago naman behind a username and a screen! Oh well kung saan sila masaya!! Tigilan niyo kami!!!”

Si Say ay isa sa malapit na kaibigan ni Kisses at Ate kung tawagin ng dalaga ang dati ring ex-PBB housemate.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..