Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Magtatambal sa unang pagkakataon sina Patrick Garcia at Erich Gonzales at gaganap bilang magkasintahang papatunayan na hindi nakakalimot ang puso ngayong Sabado (Oct 14) sa hinirang kamakailan na Best Drama Anthology sa ALTA Media Icon Awards, ang “MMK.”

Para makalimot sa hinanaing ng puso, napiling sumali ni Mae (Erich) sa isang hiking team. Dito, nakilala niya si Pio (Patrick), isang makulit at palabirong lalaking hindi niya inasahang bubuo sa kanyang pusong nawasak.

Naging masaya naman ang takbo ng kanilang relasyon hanggang sa mabuntis si Mae. Takot man si Mae sa nangyari, hindi naman siya pinabayaan ni Pio at sa halip ay inalok pa ito ng kasal. Ngunit isang araw biglang sinugod si Pio sa ospital sa kanyang biglaang pagsi-seizure. Napag-alaman na mayroon pala siyang viral encephalitis, isang sakit sa utak na naapektuhan ang memorya ng tao.

Ano ang gagawin ni Mae kapag unti-unti nang nilamon ng karamdaman ni Pio ang kanyang alaala? Anong kinabukasan ang naghihintay sa kanila lalo pa’t siya ay nagdadalang tao at nakatakda na sanang mag-isang dibdib?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Mickey Ferriols, Glenda Garcia, Alvin Anson, Simon Ibarra, Joshua Zamora, at Lemuel Pelayo.

Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar at panulat ni Mary Rose Colindres. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Business Unit Head na si Roda C. dela Cerna at Star Creatives COO na si Malou N. Santos.

Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..