Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isa-isang naglalabasan ang mga babaeng ginahasa diumano ng Hollywood producer na si Harvey Weinstein.

Ito ang pagbubunyag ng New Yorker magazine sa pamamagitan ng writer nitong si Ronan Farrow kaugnay sa 13 kababaihang diumano pinagsamantalahan ng Hollywood producer.

Kabilang sa lumutang na diumano’y biniktima ng producer ay ang Italian film star na si Asia Argento.

Si Argento ay sumikat sa ‘xXx’ pinagbidahan ni Vin Diesel at nag-akusa kay Weinstein pinuwersa siya sa oral sex at pakikipagtalik 20 taon na ang nakaraan.

Inilihim umano niya ang sinapit sa takot na sisirain ng producer ang kanyang buhay at career.

Lumutang din ang aspiring actress na si Lucia Evans na pinaluhod umano ni Weinstein at pinag-oral sex noong 2004 nang magharap nila sa opisina ng Miramax.

Ilan pa sa mga sinasabing nabiktima ng producer ay ang mga kilalang Hollywood actress na sina Angelina Jolie, Rosanna Arquette, Gwyneth Paltrow at French actress Judith Godreche.

Itinanggi ni Weinstein ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..