Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isang masayang homecoming at reunion ang magaganap sa isa sa pinakaaabangang Filipino event sa ika-10 anibersaryo ng Kapamilya Fiesta World sa October 15 sa Barcelona, Spain. Homecoming ito para sa The Filipino Channel (TFC) at ABS-CBN Regional dahil sa Barcelona unang itinanghal ang traditional na event.

Kaya naman ten times ang saya na hatid na saya sa pamamagitan ng mga activities at excitement na hatid ng Kapamilya stars sa October 15 sa CCIB AddressCCIB – El Centre de Convencions Internacional de Barcelona Multi-Purpose Hall Area 1Plaça Willy Brandt 11-1408019 sa Barcelona.

Reunion naman ito para sa lead star na si Bea Alonzo at kanyang fans dahil kabilang siya sa mga kauna-unahang nagtanghal dito. Tinaguriang This Generation’s Movie Queen si Alonzo dahil bukod sa pagiging pinakamagandang mukha sa showbusiness, isa ring siyang premyado at award-winning na actress na minsa’y nagkaroon na rin ng music album; makailang beses naging cover girl ng leading magazines; at brand ambassador ng top brands.

Sasamahan si Bea ng kanyang How To Be Yours leading man at Millennial Heartthrob na si Gerald Anderson. Sa harap o likod man ng camera, kahanga-hanga ang aktor sa kanyang kakayanang pagsabayin ang pag-arte, pagsayaw, pagiging triathlete, auxiliary officer ng Philippine Coast Guard, at tagapangalaga sa kanyang charity.

Isa ring dancefloor dynamite ang makakasama niya — si Enchong Dee. Kilala ang Chinito Heartthrob dahil sa kanyang signature moves ngunit lingid sa kaalaman ng marami, isa rin siyang kompositor at singer. Hindi rin ito ang kauna-unahan niyang magpapasaya sa isang KFW. Isa pang suki ang comedian na si Pooh, regular ng programang Banana Sundae.

Pangungunahan naman ang KFW ng isa pa sa mga premyadong talents ng Star Magic na si Piolo Pascual, ang tinaguriang Ultimate Kapamilya Heartthrob. Higit sa isang dekada na rin ang itinagal ni Pascual sa showbusiness pero walang kupas ang charm at talent ng actor, recording artist, at businessman.

Isa ring thanksgiving ang magaganap bilang pasasalamat sa sampung taong suporta ng mga kababayan sa Spain, may premium access ang mga makakapag-download ng TFC online TFC.tv app (available sa App Store at Play Store) o makakapag-subscribe sa TFC DTH, IPTV or TFC.tv

Huwag palagpasin ang Kapamilya Fiesta World na magaganap sa October 15!

Para sa karagdagang impormasyon, bisitiahin ang emea.kapamilya.com o facebook.com/TFCEurope o tawagan ang 00 800 7868 4535. I-follow ang KapamilyaTFC and KapamilyaGlobalPR via facebook, Twitter and Instagram.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..