Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nakita namin mismo ang kasiyahan at pagkabigla ni Aiko Melendez nang bumulaga si Maja Salvador sa premiere night ng pelikula niyang Balatkayo na naganap last Tuesday night sa Megamall-Cinema-2.

Hindi kasi inaasahan ni Aiko ang gesture na ito ng co-star niya sa top rating TV series nilang Wildflower na ang character nina Aiko at Maja ay magka-away na mortal bilang sina Ivy Aguas/Lily Cruz (Maja) at Emilia Ardiente (Aiko).

Pahayag ni Aiko sa kanyang Facebook account:

I am so blessed to have such a supportive friend inMaja Ross Andres I was so surprised didn’t expect her to watch my movie 🙂 I literally almost cried kasi me pa surprise hahahah! Love you baby girl 🙂Thank you Also Marco Joseph and Vin Abrenica for the support!!!! Love ko kayo ❤️

Present din sa naturang premiere night ang co-actors ni Aiko sa Wildflower na sina Joseph Marco at Vin Abrenica.

Sa mismong premiere night naman, sinabi ni Aiko na:

“I was just texting her (Maja) on my way here… I didn’t know that she’s gonna come here, sobrang touched ako, sobra. I love her eh, she knows that, I really love her, I adore her. So, sobrang salamat na she’s here.

“Yes, pati kina Joseph Marco and Vin, sobrang thankful for the support. I’m speechless, I’m ver happy to be part of a very-very big and wild show,” masayang saad ni Aiko.

Sa maikling panayam naman namin at ng ilang taga-media kay Maja noong gabing iyon, sinabi niyang, “I love Ate Aiko, she’s my ate and I’m here to support her.”

Sa pelikulang Balatkayo ng BG Productions ni Ms. Baby Go, malalim na tinalakay ang buhay ng mga OFW na nagsasakripisyo para mabigyan ng maayos na kinabukasan ang kanilang pamilya. Sa paghahangad na makaangat sa buhay, minsan ay nasisira ang kanilang pamilya dahil sa kalungkutan at tukso. Si James Robert ang solong anak dito nina Aiko (OFW sa Singapore) at Polo Ravales (OFW sa Dubai) na masasangkot sa sex-video scandal.

Mula sa direksiyon ni Neal ‘Buboy’ Tan, tampok din dito sina Nathalie Hart at ang dating PBB Housemate na si Rico Barrera.

Showing na ngayon ang Balatkayo, ito’y distributed by Regal Films Inc. Bukod sa regular showing, nakatakda rin itong ipalabas sa Singapore, Hongkong, Abu Dhabi, Dubai, at Bahrain.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..