Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Pampamilya ang pelikulang “Seven Sundays” na tinatampukan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez.

Ito ang tinanggap ni Aga dahil hindi siya kailangang mag-effort na magpapayat.

Lagi raw na may offer sa kanyang mga pelikula pero puro love story raw ang offers sa kanya at hindi niya matanggap dahil sa pagiging overweight.

“I struggled for how many years losing weight but because nagpahinga talaga ako and every year na may mago-offer sa akin ng love story, parang hindi ko kaya. Parang hindi ako pwedeng lumabas na leading man tapos ganito hitsura ko dahil hindi ko gagawin talaga yun,” deklara ni Aga.

“When this film was offered sa akin and sinabi, “you don’t have to lose weight, it’s okay, but if you wanna diet along the way, then go ahead. But the character doesn’t ask for that.” Of course, nag-start naman akong magdyeta-dyeta rin, pero. . . kasi ako nagda-diet talaga ako pag pushed against the wall na talaga ako,” aniya pa.

Ang Aga na makikita sa ” Seven Sundays” ay maputi ang buhok, malaki ang tiyan at parang napag-iiwanan sa probinsya.

Tinanong din si Aga kung ano ang natutunan niya sa unang pagsasama nila ni Direk Cathy Garcia-Molina .

“Magmura,” pakli niya sabay mura.

“Hindi ‘yung mga sinasabi ng iba, nun’g nakasama ko siya,kaya kong sabihin talaga na mali rin ‘yung mga sinasabi noon na ganyan-ganyan. Mabiro siya sa set. Alam na ng mga tao na ‘yung mura niya, it’s just nothing. It’s nothing personal. Wala lang. Masaya siya. Magaling siyang katrabaho. Magaling siyang direktor,” deklara pa ni Aga.

Hinihiling din niya kay Direk Cathy na bago mag-retire ito sa showbiz at mangibang bansa, gumawa muna sila ng teleserye.

Anyway, showing na ang “Seven Sundays” na prodyus ng Star Cinema. May block screening din ito bukas (Oct 13) 7PM , Cinema 2 sa The Resorts World Manila under Eugenio Jojo Cruz Policarpio Memorial Foundation Inc.

(ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..