Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ilang araw na ang nakakaraan pero nananatiling tikom ang bibig ng mga kaanak ng aktres na si Nadine Lustre hinggil sa ulat sa diumano’y pag-suicide ng nakababata nitong kabatid na lalaki.

Nauna nang naiulat ang pagkamatay ng 16-anyos na kapatid ni Nadine na si Isaiah Paguia Lustre sa kanilang bahay sa No. 19 Hilo St., Silvina Village, Barangay Talipapa ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng nakababatang kapatid na babae ni Nadine na nakilalang si Naomie, alas-7:45 ng gabi abala ito sa paglalaro ng i-pad nang nakarinig siya ng dalawang putok ng baril mula sa silid ni Isaiah.

Agad niyang tinungo ang silid ni Isaiah at doon ay bumungad sa kanya na nakabulagta na ito at tumatagas ang dugo sa ulo.

Sa matinding takot ay tinawag niya ang kanyang kuya na nakilalang si Ezexiel.

Sa takot ay agad namang humingi ng tulong ang mga kapatid ng biktima sa kanilang mga kapitbahay at isinugod sa Pacific Global Medical Center ang binatilyo subalit namatay din ito pagdating sa ospital.

May isa ring ulat na hinimatay si Nadine nang makita ang pinakamamahal niyang ka¬patid na pumanaw na.

Lunes nang hapon nang kumalat ang balita tungkol sa pagpapakamatay nga ng kapatid daw ng isang sikat na aktres.

Ilang araw ding inabangan sa It’s Showtime si Nadine. Pero, ang nasagap naming kuwento ay ang unang gabi ng burol ni Isaiah. Restricted sa family and friends ang viewing.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..