Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nakakagulat ang nasagap naming balita na nagpapabayad ang kampo o manager ni Xander Ford para lang ma-interview ng mga estudyante si Xander.

Ang malupit, tumataginting na P60,000 ang sinabing presyo sa mga estudyante, kapalit ng isang oras na interview nila kay Xander.

Mga graduating Masscom students mula sa University of Caloocan City ang involve rito at ang Star Image Artist Management na siyang nangangalaga kay Xander. Bale, final requirement kasi ng mga naturang estudyante ito para sa kanilang Radio-TV subject. Naisip ng grupo na magkaroon ng parang symposium na ang topic ay hinggil sa cyber bullying. Dito’y magsasalita at kakapanayamin nila si Xander.

Naisip kasi ng mga estudyanteng ito na bagay na bagay si Xander bilang guest/resource speaker dahil si Xander mismo ang nagsasabi sa mga panayam niya na biktima siya ng cyber bullying at maraming lumalait sa kanya sa internet.

Sa pamamagitan ng Private Messaging ay nagkaroon ng komunikasyon at naipaalam ng mga estudyante ang proyekto nilang ito sa isang Vince at nagpresyo ito ng P60,000 para sa naturang project ng mga estudyante. Pero dahil hindi naman mayayaman ang mga mag-aaral na ito (na nag-ambag-ambagan lang para magkaroon ng pang-down payment), nakipagtawara sila kay Vince hanggang bumaba ang presyo sa P20,000.

Pero, sinabi ni Vince na 15 minutes lang ang ibibigay niya sa mga estudyante at hindi na isang oras.

Nag-deposit na ng down payment na P10,000 ang mga mag-aaral sa BDO at nakita mismo namin ang deposit slip. Pati na palitan ng conversation ni Vince at ng isa sa estudyante ukol sa hiniling ng mga nag-aaral na magpadala sa kanila ng contract, na hindi nagawa ng kampo ni Xander dahil laging sinasabing busy daw sila.

Ditoy nakita rin namin na bukod pa sa bayad na P20,000, dapat din daw sagutin ng mga estudyanteng ito ang bayad sa sasakyang service ni Xander at ang pagkain nila, ng kanyang entourage.

Ngunit habang ginagawan ng paraan ang balanseng P10,000, nalaman ng mga mag-aaral na ito na may mga celebrity palang nakikibahagi sa mga ganoong proyekto ng mga estudyante na hindi naman nagpapabayad. Kaya napagdesisyonan ng mga mag-aaral na ito na i-cancel na lang si Xander at kumuha ng ibang kapalit niya.

Pero ang siste, nang nagpunta sa opisina ng Star Image Artist Management sa Quezon City ang mga estudyanteng ito para makuha ang perang na-down payment nila, ayaw nang ibigay ang P10,000 dahil naabala na raw sila-na dapat ay nakatanggap pa sila ng ibang inquiry o engagement para kay Xander.

Sana ay makapagpaliwanag ang kampo ni Xander kung bakit ayaw na nilang ibalik ang pera ng mga pobreng mag-aaral. Hindi biro ang P10,000 lalo na sa mga estudyanteng hindi naman galing sa mayamang pamilya. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..