Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

NAGING matagumpay ang dalawang araw na screening days para sa kauna-unahang Mr. & Ms. BPO.

At dahil marami pa ang gustong sumali, magkakaroon ng last screening day sa October 14, 1:00 to 5:00 p.m. sa I’M Hotel (located sa Makati Avenue corner Kalayaan Avenue).

Ang search ay bukas para sa lahat ng BPO o mas kilala bilang call center employees. Ang age requirement ay 18 to 26 years old, single, Filipino citizen or with Filipino blood ancestry, at least 5’4” tall for female and 5’6” tall for male. Kailangan ding sila’y mayroong proportionate physiques, possess pleasing personalities, at with good moral character. He/she must also be regular employees of the company and a resident of the Philippines.

Layunin ng Mr. & Ms. BPO na i-promote ang excellence, leadership and camaraderie in the workplace. Nais din nitong bigyan ng tribute at ipagdiwang ang natatanging galing at talino ng mga nagtatrabaho sa BPO industry na ngayo’y itinuturing na mga ‘bagong bayani’ ng ating bansa.

Ang mga mapipiling official candidates ay sasailalim sa isang holistic approach na workshop at training ng mga sikat na personalidad. Kabilang dito ang first winner ng The Apprentice Asia na si Jonathan Yabut, Binibining Pilipinas 2016 Miss Intercontinental Jennifer Hammond, Emotional Intelligence expertRuby Manalac, fitness enthusiast and model Mauro Lumba, at ang Manhunt International 2012 June Macasaet.

Ang unang call center sa Pilipinas ay na-establish noong 1992. After almost two decades, idineklara ang Pilipinas bilang world’s BPO capital. And last year, it was projected to have generated 1.3 million new jobs with a 17% annual growth. Walang duda na sa ngayon ay ang ating bansa ang pamantayan pagdating sa BPO enterprise.

Para sa mga nais sumali sa Mr. and Ms. BPO, check out the official website (www.mrandmsbpo.com) at i-download the application form. For more details, follow the event’s social media accounts on Facebook (MrandMsBPOofficial), Instagram (mrandmsbpoofficial), Twitter (MrandMsBPO) and on YouTube (MrandMsBPO). For other inquiries, you may call the Mr. and Ms. BPO secretariat at 0977-3846984.

Ang Mr. & Ms. BPO ay produksiyon ng Royale Chimes Concerts and Events Inc. for the benefit of Habitat for Humanity. Ang finals night ay gaganapin sa November 21 at the Mall of Asia Arena. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..