Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

NAKITA ni Direk Arlyn dela Cruz ang transition ni Empoy Marquez.

Sa pelikulang The Barker, kuwento ni Direk Arlyn, hindi pa masyadong pinagkakaguluhan si Empoy noong mga unang tatlong araw ng kanilang shooting.

Pero pagkatapos maipalabas ang Kita Kita na talagang tumabo sa takilya, roon na sila nagkaroon ng problema. Paanoý nahirapan na sila sa tuwing nagsu-shooting.

“Hindi kami makatapos-tapos ng eksena dahil sa pinagkakaguluhan na siya kahit saan,” ani Dela Cruz. “Kaya humanap kami ng lugar na hindi siya pagkakaguluhan. May eksena kasi roon na kailangan ng habulan, action eh.”

Sinabi pa ni Direk Arlyn na pati ang co-actor nitong si Jeric Raval ay kinailangang maging hawi boys para lang maprotektahan ang actor. “Eh pati si Jeric Raval naging hawi boys ni Empoy eh dahil sa sobrang dami ng fans,” kuwento pa ng kaibigan naming director.

Kaya naman nananalangin si Direk Arlyn na maging maganda rin ang kalabasan sa takilya ng The Barker na si Dennis Padilla ang nagdirehe at mapapanood na sa Oktubre 25 handog ng Viva Films at Blank Pages Productions.

Ang The Barker ay isang comedy film na lalong magpapakita sa galing ni Empoy sa pagkokomedya. Ito’y walang katapusang saya at entertainment na tiyak kikiliti sa mga manonood.

Kasama ni Empoy sa The Barker si Shy Carlos. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..