Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

May bagong movie project ang aktres na si Alessandra de Rossi kung saan ay makaka-partner nito si Ivan Padilla, ang Filipino-American Hollywood actor na Germaine de Leon ang ginamit na screen name sa mga US television series na CSI at Dexter.

May titulong 12 (pronounced as One, Two), ang pelikula na pinagbibidahan nina Alessandra at Ivan na napansin ng Pinoy moviegoers nang gampanan nito ang role ng boyfriend ni Bela Padilla sa 100 Tula Para Kay Stella.

Ang Viva Films ang producer ng 12 at mula ito sa direksyon ni Dondon Santos. Sa November 8 ang playdate ng 12 sa mga sinehan.

Napakasuwerte talaga ni Alessandra dahil matapos ang matagumpay nilang tambalan ni Empoy Marquez na Kita Kita ay nagkaroon ito ng bagong project at balita ko ay marami pa itong nakalinyang proyekto.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..