Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Tiyak na uulanin na naman ng basher ang ex-PBB housemate na si Kisses Delavin dahil sa inaaning tagumpay sa kanyang singing career.

Maungusan mo ba naman ni Kisses si Pop star Sarah Geronimo sa kantahan, aba’y marami talaga ang magtataas ng kilay.

Kahit sabihin mong sa OPM hits of the day lang ‘yan ay malaking bagay para sa isang baguhang singer na katulad ni Kisses.

Sa MOR Pinoy Biga10 kahapon ay nanguna ang debut single ni Kisses na ‘Di Ko Lang Masabi.’

Pumangalawa kay Kisses ang awitin ni Xian Lim na ‘Getting to Know Each Other Too Well,’ sumunod ang kanta ni Sarah na ‘Ako’y Para Lamang Sa’yo’ na sinundan ng ‘Hey’ ni Matteo Guidiccelli.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Kisses sa mga fans na sumuporta sa kanyang single na nakatakdang i-launch sa susunod na buwan.

Ito ang mensahe ni Kisses sa kanyang fans na kanyang ipinost sa kanyang IG account:kissesdelavinThank you Kissables and to everyone who voted for ‘Di Ko Lang Masabi’! We are now on the TOP SPOT because of you!!! Congratulations guys! This victory is not just mine but yours too! Love you all! Group hug! 💖 @[email protected] @roxy.liquigan ☺️

(Newsko Desk)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..