Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Dahil madalas makita ang aktres na si Janine Gutierrez na kasama ang ilang Kapamilya stars ay tumindi ang usap-usapang paglilipat-bakod ng dalaga nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa ABS-CBN.

Laman kasi ang aktres ng social media kung saan ay madalas nitong kasama sa rampahan ang ilang Kapamilya stars sa pangunguna ng natsi-tsismis ditong si Rayver Cruz.

Mas nakapagpalakas pa ng hinala ng paglipat na ng ABS-CBN ng aktres ay nang maispatan itong ka-date ni Rayver sa Star Magic Ball.

Pero ang lahat ng usap-usapang ito ay matutuldukan ngayong araw dahil sa magaganap na contract signing ni Janine bilang bagong ta¬lent ni Leo Dominguez.

Tiyak ding mauungkat ang intri¬gang aalis na ang dalaga¬ sa GMA 7 dahil tapos na ang exclusive contract niya sa nasabing TV network.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..