Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Buo ang tiwala ni Dennis Padilla sa manliligaw ni Julia Barretto na si Joshua Garcia.

Ikinwento ni Dennis na alam ni Joshua kung papaano magpalambot ng puso ng mga magulang ng kanyang minamahal.

“Yang si Joshua, marunong ‘yan manligaw sa akin, ha?” giit ni Dennis.
“Tumawag kasi sa akin ‘yan, tinatanong kung nasaan daw ba ako? Tapos, pinuntahan niya ako. Aba naman, may dala ba naman sa akin na alak. “Aba, sabi ko sa sarili ko, ‘Marunong ang batang ito, ha’?” ayon pa kay Dennis.

Sinabi pa ni Dennis na may pakiramdam siyang mag-on na ang kanyang anak na si Julia at si Joshua. Ang basehan niya bukod sa body language ng dalawa ay naglakas-loob na si Julia na ipakikilala sa kanya ito.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..