Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

May sagot ang TV host na si Christine Bersola-Babao laban sa careless at offensive na comment ni Joey de Leon tungkol sa depression.

Sa Instagram, ipinost ni Ninang Dub ang isang quotation na nagsasabing:

“DEPRESSION IS REAL.
HINDI ITO ” GAWA GAWA LANG”
HINDI ITO “PAGPAPASOSYAL” LANG
ANG MGA DUMARANAS NITO AY KAILANGANG SUPORTAHAN.
TULUNGAN.

HINDI ITO JOKE. …”

Dagdag pa nito sa kanyang caption,

“Pray for, and with someone who is depressed or going thru tough times of loneliness & despair.
Support them.
Help them .
Love them. Give them hope.
Huwag mong sabihing ” wala silang pag-asa”
#depressionisnolaughingmatter”

Nag-ugat ang issue na ito ay sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga kung saan ay nabanggit ni Joey na gawa-gawa lang ng daw ang depression – at hindi ito totoo.

Humingi na rin ng apology ang EB Dabarkads sa mga insensitive nitong komento laban sa mga nasasadlak sa depression na tahimik na lumalaban para mabuhay.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..