Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isa sa naging guest sa unang episode ng programa nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na ‘The Lola’s Beautiful Show’ bago umere ang Eat Bulaga ay ang superstar na si Nora Aunor.

Ayon kay Wally naroon pa rin ang pagkatulala niya nang makaharap ang Superstar.

“Parang idol. Nandoon na ‘yung starstruck ka pa rin,” ani Wally aka Lola Nidora nang makaharap sa kanilang morning show si Nora Aunor.

Sinabi naman ni Jose na napakasarap kausap ni Nora Aunor.

“Ang hirap niyang bitawan ng question, mga joke. Ewan ko siguro dahil nakalakihan natin. Tingin kasi natin sa kanya, Superstar Nora Aunor,” giit ni Jose aka Lola Tinidora.

Si Paolo naman ay first time na makausap si Nora Aunor at masya siyang nakilala at nakausap ito ng personal.

“Ako naman, first time ko siyang nakausap ng ganoon,”kuwento naman ni Paolo aka Lola Tidora.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..