Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Patuloy na isinusulong ng Panasonic ang pagkakaroon ng quality education para sa nation-building kaya namang nagkaloob ito ng 2017 Panasonic Asian Scholarship sa anim na deserving university students sa seremonyang ginanap noong September 27, 2017 sa University of the Philippines (UP) Diliman, Quezon City.

Ang awarding ng scholarship ay pinangunahan nina Panasonic Manufacturing Philippines Corporation (PMPC) President Shinichi Hayashi, Panasonic Precision Devices Philippines Corporation (PPRDPH) President Koji Ipposhi, University of Rizal System (URS) President Marita Canapi, Pamantasan ng Cabuyao (PnC) President Isabel Inlayo, PMPC Executive Director Masaru Toyota, UP College of Engineering Associate Dean for Student Affairs Rhandley Cajote, UP College of Engineering Associate Dean for Institutional Linkages Eric Augustus Tingatinga, PMPC Assistant Director Marlon Molano, PMPC Assistant Director Robert Pacheco at PPRDPH Assistant Director Mary Ann Diaz.

Ang anim na bagong Panasonic scholars ay sina Lucas Niegel Cabading, Gelyn Cruz, Bea Marie Manalastas, Gerdan Marie Louise Salas, Jovern Simangan, at Kathrina Villedo. Sila ay pinili matapos ang isinagawang series of interviews and assessment ng kanilang over-all performance bilang estudyante.

Si Mr. Cabading ay 20-anyos at kumukuha ng BS Electronics and Communications Engineering sa University of the Philippines-Diliman.

Si Miss Cruz ay 19 years old at kumukuha ng BS Accountancy sa Pamantasan ng Cabuyao habang si Miss Manalastas ay 19 years old at kumukha ng BS Accountancy sa Pamantasan ng Cabuyao.

Si Miss Salas ay 20-anyos kumukuha ng BS Electronics and Communications Engineering sa University of the Philippines-Diliman.

Si Mr. Simangan ay 18 years old at kumukuha ng BS Accountancy sa University of Rizal System – Binangonan.

Si Miss Villedo ay 20 years old at kumukuha naman ng BS Civil Engineering sa University of the Philippines-Diliman.

Ang mga nabanggit na scholars ay inaasahang hindi lamang gagamitin ang kanilang scholarship para sa pansariling interes kundi upang maging good leaders sa kanilang mga napiling larangan upang makapagbigay ng makabuluhang kontribusyon sa hinaharap.

Sa ginanap na seremonya, nag-iwan ng hamon si Mr. Hayashi sa kanilang mga bagong scholars at sinabing ang Panasonic ay hinid lamang nagbibigay ng financial support para sa kanila kundi tumutulong sa ikabubuti ng bansa.

“By way of your intellectual ability, your personality and your humanity, we believe that you are truly the deserving individuals, who can help us in realizing our commitment to contribute in improving the lives of people, and to the further progress of society along with our corporate slogan in pursuing the concept of “A Better Life, A Better World”. In other words, aim to become good leaders in your chosen fields, and contribute to the society in the future,” mensahe pa ni Mr. Hayashi.

Pinuri naman ng lahat ng guest speakers ang Panasonic sa ibinibigay nitong inspirasyon sa mga scholars.

Panasonic Scholarship promotes quality education – Ang anim na bagong Panasonic scholars na sina (front row, from left to right) Mr. Lucas Niegel Cabading ng University of the Philippines Diliman (UPD); Miss Kathrina Villedo (UPD); Miss Gerdan Marie Louise Salas (UPD); Miss Gelyn Cruz ng Pamantasan ng Cabuyao (PnC); Miss Bea Marie Manalastas (PnC); at Mr. Jovern Simangan ng University of Rizal System (URS) kasama ang mga presenters na sina (back row, from left to right) UPD College of Engineering Associate Dean for Student Affairs Rhandley Cajote; Panasonic Manufacturing Philippines Corporation (PMPC) Assistant Director Robert Pacheco; PMPC Executive Director Masaru Toyota; UPD College of Engineering Associate Dean for Institutional Linkages Eric Augustus Tingatinga; Panasonic Precision Devices Philippines Corporation (PPRDPH) Assistant Director Mary Ann Diaz; PMPC President Shinichi Hayashi; PnC President Isabel Inlayo; URS President Marita Canapi; PPRDPH President Koji Ipposhi; at PMPC Assistant Director Marlon Molano.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..