Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagpaliwanag ang line producer at talent manager na si Dennis Evangelista tungkol sa sakitan sa shooting nina Lovi Poe at Erich Gonzales para sa pelikulang “The Significant Other”.

“Being the Line Producer of the film The Significant Other, na witness ko ang insidente.Multi awarded director Joel Lamangan instructed both Lovi Poe and Erich Gonzales to be realistic in this cat fight confrontation. The scene is so intense, an accident happened, what you saw in video is that Lovi Virginia Poe is the only one slapping Erich Gonzales, hindi po yan ang kumpletong video para i judge and blame Lovi Poe. I love Lovi and Erich Gonzales but the truth is no one to be blame in this kind of accident.

“ Kaya naduguan si Erich, tumama ang kamay niya sa hikaw ni Lovi sa sobrang lakas ng sampal niya dito again this is also part of this intense scene.Nakahikaw si Lovi hindi para sa intensyon na paduguin ang kamay ng kaeksena kundi accesories na nilagay ‘yun ng kanyang stylist since we are doing high end fashion show.
“We feel bad na naduguan si Erich, pero nasaktan din si Lovi, namaga ang panga niya sa tindi ng sampal ni Erich. Ang maganda sa dalawa ay tinapos nila ang eksena.

“ Sabi nga ni Direk, this is the risk of being an actors, si Nora Aunor nga muntik ng maputulan ng tenga sa isang pelikula na ginawa niya. Please stop bashing and making “contravida” Lovi Poe. Just like Erich Gonzales, mabait siyang bata at pareho silang mahusay na artista. All ends well naman dahil nagkasundo sila after shooting.
“We are about to finish “The Significant Other” in two days shoot schedule on Friday October 6 and October 8 Sunday. Official statement of Cineko Productions regarding this matter will be out soon!!!,” mababasa sa kanyang Facebook Account.

Hindi gimik para pag-usapan ang pelikulang ito. May tsika rin na hindi raw muna magso-shooting si Erich sa Biyernes kung hindi maaayos ang gusot na ito pero mukhang naayos na.

Sey naman ng talent manager ni Lovi na si Leo Dominguez, parehas na nasaktan ang dalawang aktres. Sobrang sakit ang panga ni Lovi at may pasa siya. Iniyakan daw ito ni Lovi pero okey na raw ang lahat. Hindi naman daw maiiwasan ang ganitong aksidente lalo na kung intense ang eksenaa at parehong sineseryoso nina Lovi at Erich ang kanilang character. (ROLDAN CASTRO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..