Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sobrang sikreto naman ng kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff na sinasabing magaganap na sa susunod na buwan ng Nobyembre.

Kaya naman lahat, lalo na ang mga fans ni Anne ay nakaabang na lamang sa social media upang magkaroon ng kumpletong detalye sa gaganaping kasal ng kanilang idolo.

Ginanap nga nakaraang linggo ang bachelorette party para kay Anne sa US na dinaluhan ng ilan nitong malalapit na kaibigan na kinumpirma ng co-host nito sa It’s Showtime na si Karylle.

Inamin ni Karylle na isa siya sa bridesmaids, pero hanggang ‘yon lang ang sinabi niya dahil bawal nga silang magdetalye.

“How I wish I can extend here (in Los Angeles) to be with her (Anne, na may bachelorette events doon), pero hindi na puwede at kailangan kong umuwi para sa It’s Showtime,” ani Karylle.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..