Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Umamin ang Kapamilya aktres na si Angel Locsin na sinusundan niya ang account ng kanyang mga bashers sa social media.

Matatandaang dumami ang bashers ni Angel dahil sa pagpasok niya sa teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bumulusok pataas ang rating ng show at hindi matanggap ng ilang KathNiel fans na si Angel at ang dati nitong ka-loveteam na si Richard Gutierrez ay nakatulong ng malaki sa pagganda ng show.

Pahayag ni Angel sa kanyang twitter account: “Nasisilip ko naman ‘yung account. Yung trolls pinagtritripan ko lang yung fan account sinusubukan kong magkaintindihan pero parang walang point.”

Ito naman ang payo kay Angel ng kanyang mga fans sa social media na dedmahin na lamang ang mga ito.

“Dedmahin mo na Miss Angel, mga bitter lang ‘yan kasi ikaw ang nagpapa#1 sa LLS.”

“Paano idol magkakaintindihan sarado na utak. Ayaw talaga nila. Baka daw sapawan mo KN sa LLS. Kahit ilang ulit mon a pinaliwanag wala pa rin.”

“Hangga’t pumapatol ka hindi matatapos yung issue @143angel mas pursigido yung iba na siraan ang KN sa’yo.”

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..