Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Patuloy na nagsisilbing game changer ang Apo View Hotel na isang premier landmark sa Davao City lalo ngayong nasa kamay na ito ng isang bagong management team na nagtutulong para makipagsabayan sa industriya ng travel and tourism sa bansa.

Batay sa mga datos mula sa Department of Tourism, patuloy na lumalago ang inbound traffic sa larangan ng turismo kung saan nakapagtala na ng 2,882,737 visitors sa unang limang buwan pa lamang ng taong 2017. Ang volume na ito ng mga travellers ay nagbibigay naman ng malaking oportunidad para sa lokal na turismo.

At sa gitna ng lahat ng ito, ang lungsod ng Davao ay kabilang pa rin sa paboritong travel destinations ng local at international tourists na gustong i-explore ang iba’t ibang atraksyon ng lungsod.

Ngayong second half ng 2017, nagpatupad ng malaking pagbabago sa Apo View Hotel para makipagsabayan sa mga oportunidad na nabubuksan sa Davao. “We anticipate the onset of more and more tourists, thus we are committed in further improving our facilities and services as part of our efforts in providing comfortable accommodations, world-class facilities and amenities, and sustaining the tourism growth in the region,” ayon kay Laurence ‘Louie’ Peña, ang bagong Chief Operating Officer na siya ngayong tumatayong lider ng Apo View Hotel team.

Si Peña ay isang experienced hotelier at meron ng mahigit 20 years experience sa hospitality industry sa iba’t ibang prominent hotels sa Pilipinas, United Arab Emirates, Singapore at London. Humawak din ito ng mahalagang posisyon sa ibang hotel kabilang na ang itinuturing na crown jewel ng Dubai, ang Burj Al Arab Hotel.

Gamit ang kanyang malawak na karanasan, si Peña at ang kanyang team ay pursigido sa pagbibigay ng unparalleled service at enjoyable stay para sa mga guests ng Apo View Hotel.

“Quality, privacy, convenience and comfort are things that we promise to our customers and that’s exactly what we aim to deliver,” pahayag pa ni Peña.

Itinatag noong 1948, ang Apo View ang unang hotel na itinayo sa Davao City at ikalawa naman ito sa pinakamatandang hotel sa buong Pilipoinas. Ito ay nakatayo sa gitna ng Central Business District (CBD) ng Davao City at mayaman sa kasaysayan ng ilang dekadang pagbibigay ng quality service at unmatched hospitality para sa mga travellers.

Ang Apo View Hotel ay may 156 smartly designed rooms na lahat ay may air-conditioning unit, dual-temperature shower, LED TV with access to cable channels, hypo-allergenic pillows, chiropractic beds, free wifi, in-room safety deposit boxes at standby power generator.

Meron din itong malawak na selection ng local at international cuisine sa all-day dining buffet restaurant, ang Café Josefina gayundin sa Blue Room at Casino Filipino Players Club. Bukod sa tatlong restaurants at casino, may full-service 24-hour in room dining din ang hotel.

Para sa iba pang impormasyon sa Apo View Hotel, mag-log on lamang apoview.com.

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..