Tuesday 12th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

NANANATILING mahigpit ang kapit ng FPJ’s Ang Probinsyano sa posisyon nito bilang pinakapinanonood na programa sa bansa sa patuloy nitong paghahatid ng maaaksiyong eksena sa mga manonood, kaya naman nanguna ang serye sa TV ratings sa buong bansa at tinalo ang bago nitong katapat.

Pumalo ang serye ng national TV rating na 43.2% noong Lunes (Sept. 18), kompara sa bagong katapat na Super Ma’am (ni Marian Rivera) na mayroon lamang 18.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Kinapitan din ang mga kaganapan sa Ang Probinyano hanggang noong Martes (Sept. 19) sa pagtala nito ng 43% kompara sa katapat na mayroon lamang 17.9%.

Bawat gabi, patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga manonood ng mga papuri sa programa na malapit nang magdiwang ng ikalawang anibersaryo sa telebisyon.

Tinutukan ng mas maraming Filipino ang maaaksiyong pagsagip ni Cardo (Coco Martin) sa mga miyembro ng Special Action Force na sina Geraldo (Ejay Falcon) at Katarina (Louise Delos Reyes) mula sa kamay ni Alakdan (Jhong Hilario). Ngunit hindi pa rin sigurado ang kanilang kaligtasan dahil sama-sama na ang buong puwersa ng Pulang Araw para sila’y tugisin.

Magkaroon pa kaya ng oras si Cardo na mailigtas sila? Ito na kaya ang oras na mabubuko ang kanyang misyon?

Huwag palampasin ang mga maaaksiyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

(Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..