Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Marami ang natuwa sa balitang pagbabalik ABS CBN ng Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano. Ang batikang aktres ang siyang espesyal na guest sa Maalaala Mo Kaya drama anthology ngayong Sabado, September 23.

Gaganap dito si Maricel bilang si Guily, isang ina na gagawin ang lahat para sa anak na si Jayson (JC De Vera).

Sa dugo nga lang ba nasusukat ang pagiging ina? Ito ang isa sa katanungan sa episode na ito dahil ampon lang ni Maricel dito si JC. Bata pa lang nang nalaman ito ni Jayson dahil illegitimate child siya ng kanyang tunay na ina. Lumaki siya na labis ang pasasalamat kay Guily dahil itinuring siya nitong parang tunay na anak.

Mula sa direksiyon ni Dado Lumibao, ang naturang episode ay tinatampukan din nina Lito Pimentel, Raikko Matteo, Dimples Romana, Louise Abuel, Michael Roy Journales, Lui Villaruz, at Wynril Banaag.

Noong 2003, si Maricel ay pinuri sa mahusay niyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya bilang young Ai Ai delas Alas na ipinamigay ng kanyang biological na ina sa kanyang tiyahin. Ang naturang episode ay pinamagatang Sing-along Bar.

May mga fans si Maricel na umaasang ang paglabas niyang ito sa MMK ay magiging hudyat para maging mas madalas mapanood si Maricel sa telebisyon. Actually, para sa kanila ay mas okay kung bibigyan ng Kapamilya Network ng regular TV show ang award-winning actress.
(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..