Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Happy and proud si Cora Waddell sa nangyayari ngayon sa career ni Maymay Entrata. Magkasama ang dalawa sa Pinoy Big Brother Lucky Season-7 na eventually, itinanghal si Maymay bilang Big Winner.

“Happy pero mas proud ako sa nangyayari sa career nila Maymay, kasi ako iyong parang ate nila sa loob ng Bahay ni Kuya. I’m overwhelmingly happy for them. Pero mas malakas iyong feeling ng pride na, ‘Naku ang baby girl ko ay artista na, bida na sa pelikula.’ Lalo na sa edad nila na ang babata pa nilang apat,” nakangiting saad ni Cora na nabanggit din na mabait at masayahing bata si Maymay.

Ano naman ang reaction mo sa isyung kesyo lumalaki na raw ang ulo ngayon ni Maymay?

Sagot niya, “Ngayon ko lang narinig iyon, kaya medyo na-shock po ako.

“Well, hindi ko po alam kung ano iyong details at kung bakit nila nasabi iyon tungkol kay Maymay. Pero alam ko lang, in showbiz ay laging may opinion. Laging may mga nagsasalita ng good and bad, pero naniniwala naman ako na malilipasan niya iyang ganyang issue.

“Kasi, naniniwala akong mabait si Maymay, mabait siyang bata. So, if ever po na may incident na nangyari, temporary lang iyan. Feeling ko ay hindi talaga lumalaki ang ulo niya, pero mahirap talagang mag-adjust sa buhay sa labas ng Bahay.”

Masasabi mo ba na mahirap paniwalaan iyong ganyang intriga, lalo’t kilala mo talaga si Maymay?

“Opo, kasi kapag nakilala mo na ang isang tao, alam mo naman iyong kung paano siya mape-perceive ng iba. So, may bias ako dahil friend ko na siya, baby sister ko na siya… So, kahit may narinig akong intriga or anything, may personal opinion din ako sa pagkakilala ko sa kanya.

“So, I think everyone has their momemt na baka naiirita ka or napapagod,
o baka may nasabi siya na taken the wrong way.

“Pero, the’re still young, kaya bigyan naman natin sila ng oras para matutong mag-adjust,” saad pa ni Cora na very soon ay mapapanood as lead actress and leading lady ni Christian Bables sa pelikulang Recipe For Love na pinamahalaan ni Direk Joey Reyes.

(NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..