Wednesday 18th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kumusta naman kaya ang pila sa pelikulang Loving In Tandem ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Maymay Entrata at Edward Barber o MayWard?

Ngayon na ang official showing ng debut movie na ito ng MayWard loveteam na ang special screening ay ginawa kagabi sa Dolphy Theater sa bakuran ng ABS-CBN.

Ibang-iba sa mga ipino-prodyus na movie ng Star Cinema sa malalaking sinehan may premiere o special screening.

Ano kaya ang nangyari at hindi ito ginawa sa malalaking sinehan kung tiwala sila sa tandem?

Takot ba ang Star Cinema na langawin ang eksperimento nilang ito?

Sa dami ng loveteam sa ABS-CBN bibihira ang nabigyan ng ganitong break. Karamihan ay sa teleserye muna pinagtatambal at kapag napatunayang matibay ang loveteam ay saka nila gagawan ng pelikula.

Pero mukhang malakas ang tiwala ng ABS-CBN sa MayWard kaya isang pelikula agad ang kanilang ginawa sa halip na patibayin muna ang loveteam sa isang teleserye.

Well kani-kaniyang diskarte yan.

Kaya ayon nga sa isang netizen, abangan na lamang sa mga susunod na araw ang pagbabandera ng fake sales ng Star Cinema sa Loving In Tandem.

Ito ang mensahe ng netizen: lovekittynessTaray ng @starmagicphilsgagawin lahat e overrate lang ang bida at movie. Hantayjn ko ang fake sales nyo next wk ha.

Kani-kaniyang opinyon yan, pero sana totoong kita ang ilabas para naman hindi nagiging bulag ang mga artista.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..